^

Probinsiya

Magtiyahin inakyat-bahay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  -  Napatay ang 11-anyos na batang babae habang kritikal naman ang kanyang tiyahin makaraang pagsasaksakin ng mga di-kilalang kalalakihan na nanloob sa kanilang bahay sa Barangay Queensrow, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Jessica Navarro habang isinasalba naman sa pagamutan ang tiyahin nitong si Gina Bautista. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinamantala ng mga suspek na natutulog ang magtiyahin saka isinagawa ang panloloob. Nagising naman si Gina matapos maalimpungatang at may narinig na kaluskos sa loob ng kanilang bahay. Gayon pa man, namataan ng mga kawatan si Gina kaya pinagtulungang saksakin at maging ang bata ay inundayan din ng saksak at napatay.

 

vuukle comment

BACOOR CITY

BARANGAY QUEENSROW

CAVITE

GAYON

GINA

GINA BAUTISTA

JESSICA NAVARRO

KINILALA

NAGISING

NAPATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with