^

Probinsiya

64-anyos lola ginahasa ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinalagpas ng 35-anyos na adik sa bawal na droga ang biyudang lola makaraang paghahambalusin ito ng kahoy ay hinalay pa kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Canuto Enerio, bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte. Ang biktimang itinago sa pangalang Lola Clara ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan habang arestado naman ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Darwin Campilan, 35, ng nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Ins­pector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, galing ang matanda sa pangunguha ng panggatong sa kakahuyan nang harangin ng suspek at paghahampasin sa ulo saka hinila sa damuhan. Gayon pa man,  nanlaban ang matanda habang hinuhubaran pero pinagsusuntok pa siya nito saka isinagawa ang maitim na balak. Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

 

vuukle comment

BARANGAY CANUTO ENERIO

DAHLAN SAMUDDIN

DARWIN CAMPILAN

GAYON

GUTALAC

KASALUKUYANG

LOLA CLARA

NORTE

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with