^

Probinsiya

Dalagita naisalba sa 4 adik

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 16-anyos na dalagita sa kamay ng apat na adik sa bawal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa isang hotel sa Micericordia Street, Barangay Tinago sa Naga City, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon. Itinago sa pa­ngalang Sherrybel ang biktima habang nasakote naman ang mga suspek na sina Jhon Josua Abad, 22; Jarid Ortua, 21; Jun - Jun Lopez, 19; at si Phil Alfred Atos, 21, pawang nakatira sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod. Sa tulong ng ina ng dalagita ay sinalakay ng pulisya ang Room 203 ng Golden Leaf Hotel kung saan naaktuhan sa pot session ang mga suspek at ang biktima na lango na sa droga. Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu, cell phone, digital weighing scale at ilang paraphernalia na gamit sa droga. Pinaniniwalaan ng pulisya na pipilahan ng mga suspek ang biktima kapag lango na sa bawal na droga.

vuukle comment

BARANGAY TINAGO

CAMARINES SUR

GOLDEN LEAF HOTEL

JARID ORTUA

JHON JOSUA ABAD

JUN LOPEZ

MICERICORDIA STREET

NAGA CITY

PHIL ALFRED ATOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with