^

Probinsiya

Trike driver dinedo ng pasahero

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines- Pinaniniwalaang awayan sa paniningil sa pamasahe ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mamatay ang 45-anyos na trike driver ng kanyang pasahero sa Sitio Pontor, Barangay Bignay 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Apat na tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Crescencio Saliva, may-asawa at residente ng Brgy. Mamala 1. Sa imbestigasyon ng pulisya, nakahimpil sa terminal ng mga trike ang biktima nang arkilahin ang kanyang  traysikel ng di-kilalang lalaki patungo sa Barangay Bignay 2. Habang bumabagtas ang traysikel ng biktima ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan biglang napahinto ang trike at duguang bumulagta ang driver nito. Pinaniniwalaang nagtalo ang pasahero  at biktima kaugnay sa pamasahe habang bumabagtas sa nasabing lugar kaya isinagawa ang pamamaslang. Inalis na ng pulisya ang anggulong holdap dahil ang mga pera at cell phone ng biktima ay hindi ginalaw.

vuukle comment

APAT

BARANGAY BIGNAY

BRGY

CRESCENCIO SALIVA

HABANG

INALIS

MAMALA

PINANINIWALAANG

QUEZON

SITIO PONTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with