^

Probinsiya

2 huli sa drug bust

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - - Timbog ang isang mister na anak ng dating Municipal Mayor at ang kaibigan nito sa isinagawang buy bust operation sa illegal na droga ng pinagsanib na puwersa ng Virac MPS, PIB, PDEA, kamakalawa ng gabi sa Monte Verde Lodge sa Brgy. Danicop, Virac, Catanduanes.

Nakilala ang mga suspek ay sina Roden Zafe Camano, 35, anak ng dating Mayor sa bayan ng San Miguel at Kene De Leon 50, ng Brgy.  Concepcion ng naturang Bayan.

 Ayon sa ulat ni Senior Supt. Adel Castillo, Provincial Director na ang operasyon ay isinagawa dakong alas-10:33 ng gabi ng magpanggap ang isang asset ng pulisya na bibili ng illegal na droga sa loob mismo ng naturang Vista Lodge na pansamantalang inookupa ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 pirasong plastic sachet ng naglalaman ng shabu, 5 pirasong tig P500 peso na pera na ginamit ng asset sa pambili ng droga, P12,000 libong pisong cash, isang pirasong 20,000 Indonesian Rupiah na pera, mga drug paraphernalia, cellphone, dalawang motorsiklo, isang cal. 45 pistola at mga bala.

Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya sa Virac at inihahanda na rin ang pagsasampa ang kasong paglabag sa RA 9165 sa korte at masusing imbistigasyon ang isinasagawa ukol dito.

vuukle comment

ADEL CASTILLO

BRGY

INDONESIAN RUPIAH

KENE DE LEON

MONTE VERDE LODGE

MUNICIPAL MAYOR

PROVINCIAL DIRECTOR

RODEN ZAFE CAMANO

SAN MIGUEL

VIRAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with