^

Probinsiya

Preso hindi dinalaw ni misis, nagbigti

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - - Wala nang buhay ng madatnang nakalambitin sa loob ng isang conjugal room ng Naga City District District Jail ang isang 26-anyos na bilanggo maka­raaang magpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti gamit ang kumot sa Camarines Sur, kamakalawa.

Nabatid na tatlong buwan ng hindi binibisita ng asawa ang presong si Mark Joseph Brinbuela, residente ng Urban Poor, Brgy. Pacol, Naga City matapos na ito ay makulong sa kasong carnapping isang taon na ang nakakalipas.

Huli na ng malaman ang ginawang pagpapatiwakal ng biktima matapos na madiskubre ng kasamahang preso na maglilinis sana sa loob ng nasabing kuwarto. Wala naman nakitang foul play sa naganap na pangyayari.

Posible rin umanong depresyon ang nagtulak para magpakamatay ito matapos na hindi na dalawin ng kanyang misis na nangibang bansa na pala at hindi nagpaalam sa nasawi.

vuukle comment

BRGY

CAMARINES SUR

HULI

MARK JOSEPH BRINBUELA

NABATID

NAGA CITY

NAGA CITY DISTRICT DISTRICT JAIL

URBAN POOR

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with