^

Probinsiya

‘Justin Bieber’, pumuga

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines - - Isang kapangalan ng sikat na POP singer na si Justin Bieber na tinaguriang lider ng ‘Bieber Gang’ na sangkot sa serye ng nakawan at pandurukot sa lalawigan ng Camarines Sur ang tumakas sa loob ng kanyang kulungan sa Tinangis Jail and Penal Farm sa Tinangis, Pili, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang pumuga na si Justine Ponce Nicole aka  Justin Bieber.

Ayon sa ulat naganap ang pagtakas dakong alas- 4:00 ng hapon habang ang suspek ay nasa loob ng Millenium Building kung saan ito.

Makalipas ang halos isang oras ng muling mag-ikot ang guwardiya at saka nito napansin na nawawala na ang suspek na  tumakas sa pamamagitan nang  pagtalon sa bakod ng Penal Farm.

Nabatid na ang suspek ay ang leader ng kilabot na Beaber Gang na kung saan ang grupo nito ay pawang mga kabataan na pawang nakasout ng K - POP na costume na makikita sa mga sikat na mall kung saan nakatambay ang grupo nito at saka mambibiktima.   

Ang suspek na sinasabing ilang ulit nang nadadakip at nakukulong at ilang ulit na ring nakakatakas.

Malaki ang teorya ng mga awtoridad na ang suspek ay pansamantalang kinakanlong ng kanyang mga kasamahan at nagpapalamig lamang at saka muling magsasagawa ng kanilang illegal na aktibidades.

vuukle comment

AYON

BEABER GANG

BIEBER GANG

CAMARINES SUR

ISANG

JUSTIN BIEBER

JUSTINE PONCE NICOLE

MILLENIUM BUILDING

PENAL FARM

TINANGIS JAIL AND PENAL FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with