^

Probinsiya

Killer ng lola, timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang 56-anyos na lalaking sangkot sa brutal na pagpaslang sa isang lola na ang bangkay ay itinago pa sa ilalim ng lababo kamakailan.

Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Supt. Nathaniel Villegas ng ares­tuhin ang suspek na si Edwin Marcelino, tubong Calauag, Quezon at residente ng Brgy. Duhat Bocaue, Bulacan, kahapon.

Base sa ulat dakong alas-11:30 ng umaga ay isang impormante ang nakakita sa suspek na bumisita sa kanyang kaibigan sa Brgy. Duhat at nang makumpirma ay kaagad na inaresto ito ng pulisya na armado ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Grace Ruiz ng RTC Branch  22 sa Malolos City at walang inirekomendang piyansa sa kanyang kalayaan.

Sa rekord ng pulisya na isinumite ni SPO1 Ferdinand Cabuhat pinatay ng suspek ang biktima at katiwalang si Zenaida Obar, 62, noong Marso 4  ng kasalukuyang taon sa pamamagitang ng pagbigti at pagpalo ng tubo sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan matapos na pagnakawan ito. Upang itago ang krimen ay nagawa pa nitong itago sa ilalim ng lababo saka tumakas hanggang sa muli itong bumalik kahapon na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

vuukle comment

BRGY

DUHAT BOCAUE

EDWIN MARCELINO

FERDINAND CABUHAT

JUDGE GRACE RUIZ

MALOLOS CITY

NATHANIEL VILLEGAS

WARRANT OF ARREST

ZENAIDA OBAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with