^

Probinsiya

4 minero patay sa pagsabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na minero ang nasawi matapos  ang malakas na pagsabog  sa tunnel ng isang minahan ng ginto sa bayan ng Maragusan, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Emmanuel Casanova, Nestor Aque, Rocky Bayer at Jhony Caylan. Isa sa mga biktima ay dead-on-arrival sa Davao Regional Hospital habang tatlo naman ang binawian ng buhay  habang nilalapatan ng lunas.

 Ayon kay Chief Inspector Jed Clamor, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 11, naganap ang insidente sa tunnel ng isang small scale mining sa Brgy. Pamintaran ng nasabing bayan dakong alas-7:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang abala sa pag­huhukay sa minahan ang naturang mga minero nang sumabog ang dinamita sa loob ng tunnel.

Bunga nito ay nahilo ang mga biktima matapos na makalanghap ng nakalalasong kemikal na kumalat sa minahan sanhi ng pagsabog.

Ang nasabing minahan ay may 10 kilometro ang layo mula sa kabayanan ng Maragusan kung saan agad nagresponde sa lugar ang search and rescue team.

Naiahon naman sa tunnel ang apat na minero pero nabigo ng maisalba ang mga ito sa pagamutan.

Patuloy naman ang isi­nasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

AYON

CHIEF INSPECTOR JED CLAMOR

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO REGIONAL HOSPITAL

EMMANUEL CASANOVA

JHONY CAYLAN

MARAGUSAN

NESTOR AQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with