^

Probinsiya

Nanay pinugutan ng adik na anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kama­tayan ang sinapit ng 70-anyos na nanay makaraan itong pugutan ng adik nitong anak sa Bacolod City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Bacolod City PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang matandang biktima na si Eledina Gabitanan ng Villa Esperanza sa Barangay Tangub sa nabanggit na lungsod.

Samantala, nasakote naman ang suspek na nahaharap sa kasong parricide na si Percival Gabitanan, 34, kilalang drug addict sa nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni P/Inspector Ri­chard Pajarito, deputy chief of police ng Bacolod City PNP station 8, naitala ang krimen bandang alas-2 ng madaling araw.

Nabatid na nagising ang mga kapitbahay ng pamilya Gabitanan matapos umalagwa ang malakas na iyak ng matanda na sumisigaw ng tulong habang ma­tindi ang kalabugan sa bahay ng mga ito.

Isang kapitbahay ang  ipinarating ang insidente sa mga barangay tanod kung saan tumawag sa himpilan ng pulisya.

Gayon pa man, hindi na inabutan ng mga operatiba ng pulisya na buhay ang matanda kundi ang pugot na ulo ng biktima sa loob ng bahay habang ang katawan naman nito ay itinapon sa labas ng bahay.

Nasakote naman ang suspek sa loob ng kanilang tahanan kung saan ng dalhin sa presinto ay sinabi nitong aswang ang tingin niya sa sariling ina kaya pinaghahampas niya ito ng kawayan saka pinugutan.

Ayon sa mga imbestigador ng pulisya, lango sa bawal na droga ang suspek kaya nagawa ang malagim na krimen.

 

vuukle comment

AYON

BACOLOD CITY

BARANGAY TANGUB

CAMP CRAME

ELEDINA GABITANAN

GABITANAN

INSPECTOR RI

PERCIVAL GABITANAN

VILLA ESPERANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with