^

Probinsiya

Rapist itinumba ng NPA

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 35-anyos na magsasakang may nakabinbing kasong rape makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army  kamakalawa ng umaga sa Barangay Guindawahan, bayan ng Pio V. Corpuz sa Masbate. Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-10:30 ng umaga habang ang biktimang si Christopher Ancero ay nagpapakain ng alagang kalabaw may ilang metro ang layo sa kanyang bahay. Napuruhan sa ulo ang biktima habang palakad na tumakas ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay may warrant of arrest sa kasong rape na ipinalabas ni Judge Domingo B. Maristela Jr. ng Cataingan Regional Trial Court Branch 49 ng Masbate.

vuukle comment

BARANGAY GUINDAWAHAN

CATAINGAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CHRISTOPHER ANCERO

CORPUZ

JUDGE DOMINGO B

MARISTELA JR.

MASBATE

NAPURUHAN

NEW PEOPLE

PIO V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with