^

Probinsiya

2 estudyante kinidnap, pinatay

Rhoderick Beñez, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang estudyante makaraang kidnapin ay pinatay ng dating driver ng isa sa biktima sa Barangay Cabuling, bayan ng Tantangan, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rey “Kabal” Pacifico, 16, estudyante ng Tantangan Trade School at Robert Mallet, 14, Filipino-British, estudyante ng Notre Dame Siena School of Marbel na kapwa residente sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Chairman Rodillo Palomo, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa malalim na kanal sa boundary ng Barangay Pangasinan at Barangay Laguilayan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Halos hindi na makilala ang mga biktima dahil sa basag ang bao ng ulo at basag din ang bibig.

Huling namataang buhay ang dalawa noong Sabado ng hapon matapos paunlakan ang imbitasyon  ng isang Jay “Pluto” Sarayno para maglaro ng basketball sa Barangay New Pangasinan.

Maging ang ina ni Mallet ay hiningan ng P50,000 ni Pluto para tubusin ang kanyang anak na kinidnap ng grupo ng kala­lakihan noong Linggo.

Agad umanong nag-withdraw ng pera ang ina ni Mallet at sumama kay Pluto upang tubusin ang anak dala ang ransom money.

Ngunit, kinabukasan natagpuan din ang ina sa gilid ng kanal sa boundary ng Barangay Lagandang at Bagumbayan na may sugat sa ulo.

vuukle comment

BARANGAY CABULING

BARANGAY LAGANDANG

BARANGAY LAGUILAYAN

BARANGAY NEW PANGASINAN

BARANGAY PANGASINAN

CHAIRMAN RODILLO PALOMO

NOTRE DAME SIENA SCHOOL OF MARBEL

ROBERT MALLET

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with