^

Probinsiya

Mag-utol inasinta ng kidlat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines   – Patay ang isa sa mag-utol na magsasaka makaraang tamaan ng matalim na kidlat sa gitna ng palayan sa Barangay Baliw, bayan ang San Juan, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Troy Peneyra habang sugatan naman si John Rey Penerya na naisugod sa pagamutan. Napag-alaman na nagtungo ang magkapatid sa bukid para manguha ng damo na ipapakain sa mga alagang hayop nang biglang bumuhos ang ulan kasabay ng kulog at kidlat. Sinikap ng mag-utol na maghanap ng masisilungan subalit muling kumidlat at tinamaan ang dalawa. Sa lakas ng boltahe na tumama sa kanila ay agad na namatay si Troy habang si John Rey naman ay nasa kritikal na kalagayan na naisugod sa ospital.

 

vuukle comment

BARANGAY BALIW

ILOCOS SUR

ISABELA

JOHN REY

JOHN REY PENERYA

KINILALA

NAPAG

PATAY

SAN JUAN

TROY PENEYRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with