^

Probinsiya

Mag-ina todas sa suwag ng truck

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo makaraang  salpukin ng  rumaragasang truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Lumbangan, bayan ng Tuy, Batangas kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Inspector Gaylor Pagala, hepe ng Tuy PNP, kinilala ang mag-ina na sina  Marcela Rejas at Alyzza Rejas na kapwa idineklarang patay sa Apacible Memorial Hospital. Bandang alas-6:50 ng umaga nang mabangga ng truck (ZRL905) ni Maximino Makabili ang motorsiklo ng mag-ina. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mag-ina mula sa motorsiklo na kapwa nagtamo ng malubhang sugat sa mga katawan. Nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property.

 

vuukle comment

ALYZZA REJAS

APACIBLE MEMORIAL HOSPITAL

BANDANG

BARANGAY LUMBANGAN

BATANGAS

BUMULAGTA

MARCELA REJAS

MAXIMINO MAKABILI

NASAKOTE

SENIOR INSPECTOR GAYLOR PAGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with