^

Probinsiya

2 karnaper bulagta sa shootout

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  – Napatay ang lalaki na sinasabing notoryus na karnaper matapos maki­pagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa gitna ng palayan sa bahagi ng Purok 6, Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, bigong makapagsagawa ng pa­ngangarnap ang dalawang suspek kaya tinutukan ng baril ang kanilang biktima sa bahagi ng Barangay Dagupan.

Kaagad na inalerto ni P/Supt. Maribojo ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa modus operandi ng dalawang di-kilalang lalaki.

Inilatag ng pulisya ang ilang checkpoint na posib­leng pagdaanan ng dalawang karnaper hanggang sa maispatan ang mga suspek sa bahagi ng  Purok 6 sa nasabing barangay.

Gayon pa man, imbes na sumuko ay namaril pa ang mga ito kaya gumanti rin ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay ang dalawa.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng cal.45 pistol, 1 bag na naglalaman ng 2-piraso ng hair wig at ang gamit na motorsiklo ng mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY DAGUPAN

BARANGAY OSIAS

GAYON

INILATAG

JORDINE MARIBOJO

KAAGAD

KABACAN

NORTH COTABATO

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with