^

Probinsiya

Ginang pisak sa bike

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines   – Isang ginang ang dinagit ni kamatayan matapos aksidenteng tumbukin ng isang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Mungia, Dupax del Norte kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Julie Pineda, 54, habang ang suspek ay nakilalang si Dareen Cacayan, 20, binata at kapwa residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat ni SPO3 Ricarte Oliveros, dakong alas- 12:45 kamakalawa nang maitala ang pangyayari matapos matumbok ng rumaragasang Rusi motorcycle na walang plaka na minamaneho ng suspek ang biktima na noon ay naglalakad sa gilid ng kalsada.

Matinding pinsala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Maliban sa walang plaka ang motorsiklo ay wala rin umanong lisensiya ang suspek at nasa impluwensiya pa ng alak nang maganap ang insi­dente.

vuukle comment

BRGY

DAREEN CACAYAN

DUPAX

ISANG

JULIE PINEDA

MALIBAN

MATINDING

NUEVA VIZCAYA

RICARTE OLIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with