^

Probinsiya

Hindi tanggap ng pamilya, tomboy nagbigti

Tina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite , Philippines  ----Isang 19-anyos na umano’y lesbian ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na ma-depress dahil sa hindi umano tanggap ng kaniyang pamilya ang pagiging tomboy kamaka­lawa sa Alfonso, Cavite.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre nila sa magubat na bahagi ng Brgy. Marahan 2 na nakabigti sa isang puno ng rambutan ang 19-anyos na biktimang itinago sa pangalang Apple, nakatira sa Bry. Marahan 1.

Sa kuwento ng kapatid na si Jay, ilang araw bago ang insi­dente ay nagsabi pa sa kaniya ng problema ang kapatid na dumadaan umano sa dep­resyon dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya dahil na rin sa pagi­ging tomboy nito na pinaniniwalaang nagtulak dito upang tapusin ang sariling buhay.

Ayon naman sa imbestigador na si PO3 Dante Comilap Baje, tingin nila ay nasa mahigit kumulang na sa limang oras na patay ang biktima bago natuklasan. Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

BRY

CAVITE

DANTE COMILAP BAJE

ISANG

MARAHAN

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with