^

Probinsiya

Ex-pulis na holdaper, timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   --- Nadakip ang isang dating pulis na pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay sa isa ring  pulis habang nagaganap ang madugong robbery-holdup sa isang sangay ng remittance center sa Brgy. Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan kamakailan.

Hindi na nakapalag pa ng arestuhin ang suspek na si ex-PO1 Alex Sta. Cruz, 42, dating nakatalaga sa Gabaldon PNP at residente ng Brgy. San Gregorio sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni P/Supt. Enrico Vargas kay Provincial Director P/SSupt. Ferdinand Divina dakong alas- 4:00 ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang suspect na nagpapagamot sanhi ng tama ng bala sa Gapan, Nueva Ecija.

Kaagad na nagtungo ang mga pulis kasama ang ilang testigo sa naganap na robbery holdup at nang dumating na ang hinihintay na suspek ay dito na siya itinuro na naging dahilan upang arestuhin ito.

Sa rekord ng pulisya si Sta. Cruz ang humoldap sa Luzon Brokerage Corp. (LBC) na may sangay sa Brgy. Bagong Nayon, Baliwag nuong hapon ng Hunyo 28 kung saan nakatangay ng halagang P 2,846 pisong kita at habang tumatakas ito ay rumisponde naman ang nakatalagang pulis na si PO2 Louie Quidit ng Baliwag PNP na binaril ng nasabing suspect.

 

vuukle comment

ALEX STA

BAGONG NAYON

BALIWAG

BRGY

CRUZ

ENRICO VARGAS

FERDINAND DIVINA

LOUIE QUIDIT

LUZON BROKERAGE CORP

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with