^

Probinsiya

Mister durog sa truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines  -  Pi­sak ang isang 20-anyos na mister matapos itong madaanan ng gulong ng isang truck na kanyang kasabay sa pangangarera sa kahabaan ng Provincial Road ng Brgy. Linao East sa lungsod na ito kamaka­lawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Anacleto Calimaran ng Brgy. Annafunan East ng nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima na nakikipagkarera sa truck  na minamaneho ni Dante Manuel ng Gattaran, Cagayan.

Ayon sa ulat, hindi nakarkula ng biktima ang distansiya nito sa gilid ng truck na naging sanhi ng kanyang  pagkakatumba sa kalsada at nagulungan ng truck. Bagamat durog ang katawan ng biktima ay nagawa pa ng driver ng truck na damputin at isugod ito sa  Cagayan Valley Medical Center subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng mga manggagamot. Napag alaman na walang lisensiya sa pagmamaneho ang nasawi habang sumuko naman sa pulisya ang suspect.

vuukle comment

ANACLETO CALIMARAN

ANNAFUNAN EAST

AYON

BAGAMAT

BRGY

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

DANTE MANUEL

LINAO EAST

PROVINCIAL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with