^

Probinsiya

Manager dinedo, banko sinunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaslang muna ang 68-anyos na bank manager matapos barilin sa loob ng banko bago sinunog ang gusali ng di-kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa bayan ng Ibajay, Aklan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Ibajay PNP na isinumite sa Camp Crame, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya na nasusunog ang  Ibajay Rural Bank sa Barangay Poblacion

Agad namang rumes­ponde ang pulisya kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at  naapula naman ang sunog.

Gayon pa man, natagpuan sa loob ng banko ang duguang katawan ng biktimang si Gabriel Manikan na may mga tama ng bala sa dibdib kaya isinugod sa Ibajay District Hospital pero idineklarang patay.

Nabatid na may naka­rinig na mga residente ng dalawang putok ng baril sa loob ng banko at kasunod nito ay napansin na lamang nila na umuusok ang loob nito.

Napag-alaman na sa tuwing umaga ay nakagawian na ng biktima na mag-inspeksyon sa nasabing banko kung saan inuusisa ang mga guwardiyang  nakabantay sa pang-umaga ang duty.

Kabilang naman sa sinisilip na anggulo ng mga imbestigador ay pagnanakaw habang patuloy ang pagsisiyasat.

vuukle comment

AKLAN

BARANGAY POBLACION

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMP CRAME

GABRIEL MANIKAN

GAYON

IBAJAY

IBAJAY DISTRICT HOSPITAL

IBAJAY RURAL BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with