^

Probinsiya

Mister dinedo dahil sa boksing

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  -  Napatay ang 37-anyos na lalaki na sinasabing nakipagtalo sa kanyang kainuman sa isyung boksing makaraang pagbabarilin sa Sitio Tumpok, Barangay Poblacion, bayan ng Libungan, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Chief Inps. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang biktima na si Kamad Masaya ng Tinimbakan, Banisilan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kadil Alimaw Pananggalan, 65, ng Sitio Tumpok. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na magkasamang nag-iinuman ang dalawang magkaibigan nang magkapikunan sa pinagtatalunang laban ng boksing. Nagalit ang suspek kaya pitong beses na pinagbabaril ang biktima gamit ang cal.45 pistol.

vuukle comment

BANISILAN

BARANGAY POBLACION

BERNARD TAYONG

CHIEF INPS

KADIL ALIMAW PANANGGALAN

KAMAD MASAYA

KINILALA

LIBUNGAN

NORTH COTABATO

SITIO TUMPOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with