^

Probinsiya

Sanggol inihagis ng ama sa kalsada

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang 27-anyos na ama matapos nitong maltratuhin at ihagis pa sa kalye ang kanyang sanggol na anak matapos marindi sa kaiiyak  kamakalawa ng hapon sa Barangay Guinles, bayan ng Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Naisugod naman sa paga­mutan ang biktimang si Cris Glenn Ebahan, anak ng magka-live-in na sina Gleza Jarapan, 34; at Christopher Ebahan.

Base sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magka-live-in kaugnay sa pag-aalaga ng kanilang anak.

Napilitang umalis ng bahay ang misis kung saan nagtungo sa kanilang bukirin at naiwan ang anak sa suspek.

Nag-iiyak naman ang sanggol sa paghabol sa ina kaya nairita ang suspek hanggang sa ihagis ito sa kalye na nasaksihan naman ng kanilang kapitbahay na si Luzvilla Gamale, 58.

Mabilis na tumakas ang suspek nang makitang nangingitim at duguan ang sanggol matapos na tumama ang ulo nito sa espaltadong kalye.

Sa follow-up operations ay nasakote naman ng pulisya ang suspek kung saan nahaharap sa kasong kriminal.

 

vuukle comment

BAGSAK

BARANGAY GUINLES

CHRISTOPHER EBAHAN

CRIS GLENN EBAHAN

GLEZA JARAPAN

LUZVILLA GAMALE

MABILIS

NAISUGOD

NAPILITANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with