^

Probinsiya

Titser patay sa ‘special trip’

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - - “Huwag ka ng sumabay, special trip ito.”

Ito ang huling katagang narinig ng mga kapwa guro sa 51-anyos na teacher bago sumakay sa traysikel makaraang salpukin ang kanyang sasak­yan ng shuttle van sa kaha­baan ng Governor Panotes Avenue sa Barangay Gubat, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Mother Seton Hospital ang biktimang si Medina Flores, Grade 4 teacher sa Daet Ele­mentary School at nakatira sa Purok Atis, Brgy Gubat habang sugatan naman ang drayber ng traysikel na si Arnel Reyes, 28, ng Purok 9, Brgy. 4-Daet.

Pinalaya naman ang drayber ng van na si Christian Gan, 34, ng Purok 1 Brgy Cabanbanan, San Vicente, Camarines Norte makaraang magpiyansa.

Base sa ulat ng pulisya, pakaliwa ang traysikel nang salpukin ng van na patungong bayan ng Mercedes kung saan umabot sa 20 metro na nakaladkad ang trike ng mga biktima bago sumalpok sa gate ng isang bahay.

Huling namataang buhay ang biktima na nagpakain sa kanyang mga kasamahang guro sa loob ng nasabing paaralan bago ito nagpaalam na uuwi.

Hindi makapaniwala ang mga kasamahang guro sa mabilis na pangyayari  dahil sa napakabait at masipag na guro ang biktima, ayon sa kasamang guro na si Agnes Abrera.

vuukle comment

AGNES ABRERA

ARNEL REYES

BARANGAY GUBAT

BRGY CABANBANAN

BRGY GUBAT

CAMARINES NORTE

CHRISTIAN GAN

DAET

DAET ELE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with