^

Probinsiya

Chinese trader utas sa kawatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na Chinese businesswoman matapos itong pagsasaksakin ng ilang mi­yembro ng Akyat-BahayGang sa loob ng kanyang bahay sa Lipa City, Batangas kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng Lipa City PNP ang biktimang si Zhenyi Huang, may-ari ng general merchandise store sa pampublikong pamilihan sa Lipa City at nakatira sa L. Dimayuga Street sa Barangay 8.

Base sa police report, bandang alauna ng mada­ling araw nang pumasok ang ina ng biktima sa silid nito para hanapin ang nawawalang cellphone.

Gayon pa man, bumulaga sa matanda ang kanyang anak na nakahandusay sa ibabaw ng kanyang kama at naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Napag-alaman ng mga imbestigador na nawawala ang di-pa malamang halaga, mga personal na gamit at mga  alahas mula sa silid ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

AKYAT

BATANGAS

DIMAYUGA STREET

GAYON

JACINTO MALINAO

KINILALA

LIPA CITY

NAPAG

ZHENYI HUANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with