^

Probinsiya

Misis napatay sa gulpi ng mister

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Cebu , Philippines   â€“ Namatay na noong Huwebes Santo ang 26-anyos na misis matapos itong gulpihin ng kanyang mister na tumangging mag-alaga ng kanilang anak sa Sitio Kamanggahan, Barangay Tabok sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jovelyn Ancero na natagpuan ng kanyang nakababatang utol na si Malen Sinangote sa loob ng kuwarto ng mag-asawang Ancero.

Sa ulat ni PO3 Heracleo Gamboa ng Basak PNP, nari­nig ng isa sa utol ng biktima na nagkakasigawan ang mag-asawa noong Martes ng gabi.

Nabatid na nagpapatulong ang biktima sa kanyang mister na si Arnel Ancero sa pag-aalaga ng kanilang anak na one-year-old baby subalit nairita at ginulpi ng suspek ang biktima.

Napag-alamang namatay ang biktima noong Huwebes ng gabi matapos hindi maka­yanan ang matinding sakit sa katawan dulot ng mga sugat mula sa panggugulpi ng kanyang asawa.

Gayon pa man, ipinag­bigay-alam  sa suspek ang sinapit ng kanyang misis subalit hindi na ito bumalik pa ng bahay kung saan pinaghahanap na ng pulisya.

 

vuukle comment

ARNEL ANCERO

BARANGAY TABOK

CEBU

HERACLEO GAMBOA

HUWEBES SANTO

JOVELYN ANCERO

MALEN SINANGOTE

MANDAUE CITY

SITIO KAMANGGAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with