^

Probinsiya

3 kaso ng MERS virus inoobserbahan sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Tatlo-katao na sinasabing may sintomas ng MERS-coronavirus ang inoobserbahan sa Batangas Medical Center. 

Ayon kay Dr. Ramoncito Magnaye, medical director ng BMC, isolated ngayon ang 3 pasyente at sumasailalim sa ilang pagsusuri. 

“Hindi pa naman sigurado. They are being treated symptomatically para sa ubo, lagnat at iba pang sintomas,” ani Dr. Magnaye. 

Ang MERS coronavirus ay itinuturing na mas delikado kaysa sa SARS virus na umatake sa Asia noong 2003, ayon sa tala ng Department of Health 

“Ang incubation period ay usually 2-weeks pero kapag negative ang resulta ng lab tests ay maaari na namin silang pauwiin,” dagdag pa ni Dr. Magnaye. 

Ang tatlong pasyente ay kabilang sa 400 pasahero ng Etihad Airways kung saan may nakasakay na pasaherong nagpositibo sa MERS.

Agad na pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng ibang pasahero na magpasuri upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, dalawa pa ang inaasahang darating sa BMC upang sumailalim sa pagsusuri matapos duma­ting sa bansa para magbalik bayan.

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. MAGNAYE

DR. RAMONCITO MAGNAYE

ETIHAD AIRWAYS

SAMANTALA

TATLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with