^

Probinsiya

3 holdaper utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng big time robbery at hijacking gang ang napaslang sa barilan sa bigong pagtatangka na holdapin ang isang delivery van ng sigarilyo sa Cavite kahapon ng hapon.

Sinabi ni Chief Inspector Gil Torralba, chief of police ng Silang, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek.

Bandang ala-1:50 ng hapon nang maganap ang naudlot na panghoholdap ng mga suspek sa isang delivery van sa Dasmariñas City ng lalawigan.

Ayon kay Torralba, nakatanggap sila ng impormasyon  hinggil sa nabulilyasong panghoholdap ng mga suspek  sa delivery van kung saan agad niyang pinakilos ang kanyang mga tauhan.

Inihayag ni Torralba na ‘foiled robbery holdup’ ang naganap matapos na pumalag ang driver ng delivery van na nakaparada sa may palengke ng lungsod kung saan may nakapansin sa komosyon na agad namang itinawag ang insidente sa pulisya.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis at inabutan ang tinutugis na mga suspek na magkakaangkas sa motorsiklo sa Brgy. Sabutan kung saan nagkaroon ng umano ng shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, tumimbuwang ang tatlong suspek na pawang nasawi sa barilan.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout  ang isang caliber .45 pistol at dalawang 38 revolver pistol.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BRGY

CAVITE

CHIEF INSPECTOR GIL TORRALBA

DASMARI

INIHAYAG

TORRALBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with