^

Probinsiya

Lider ng ‘gun-for-hire’, 2 pa tiklo sa checkpoint

Pilipino Star Ngayon

Batangas, Philippines - – Kalaboso ang tatlong katao kabilang ang umano’y leader ng gun-for-hire group matapos maaresto sa isang police checkpoint sa bayan ng Bauan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Batangas police director Sr. Supt. Omega Jireh Fidel ang mga suspek na sina Jamela Marie Solis, Jonas Abu at Jowel Reyes, ang lider umano ng “Reyes Gun-for Hire” group na nag-o-operate sa Bauan at mga karatig bayan sa Batangas.

Ayon sa report, pinara umano ng mga operatiba ang sasakyan ng mga suspek sa Brgy. Poblacion 2 matapos mapansin ang nakakabit na improvised plate number dito bandang alas-2:45 ng madaling- araw.

Nang inspeksyunin ng mga pulis ang sasakyan, dito nadiskubre ang anim na pira­so ng kalibre 45 pistol, isang kalibre 38 revolver, mga bala at apat na sachet ng shabu na may bigat na 20 gramo.

Ani Fidel, si Reyes na isang ex-convict ay tinaguriang number 1 sa drug watchlist ng Bauan at pinaghihinalaang responsable sa pagpatay sa tatlong lalaking scrap worker sa Barangay San Teodoro sa bayan ng Bauan noong nakaraang buwan.

“Modus pa ng grupo ang nagpapahiram ng mga baril sa mga triggerman kung may itutumba silang tao kapalit ang malaking halaga ng pera” ani Fidel.

vuukle comment

ANI FIDEL

BARANGAY SAN TEODORO

BATANGAS

BAUAN

JAMELA MARIE SOLIS

JONAS ABU

JOWEL REYES

OMEGA JIREH FIDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with