^

Probinsiya

Pekeng PDEA agent, timbog sa karnaping

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Kalaboso ang lalaking nagpakilalang mi­yembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na arestuhin ng mga pulis sa entrapment operation dahil sa umanong pagkarnap ng sasakyan sa Brgy. Sta.Cruz,Guiguinto,Bulacan kahapon .

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si Marcelito Tolentino, 31,  ng Sitio Sulok, Brgy. Panginay, Balagtas at nagpakilala bilang PO2 Valle ng nakatalaga umano sa PDEA-NCR .

Base sa ulat ni P/Supt. Ernesto Cruz, dakong ala-1:00 ng hapon ay nagkita sa kilalang shopping mall sa Brgy. Sta. Cruz ang suspek at biktimang si Armando Lazaro, Jr., 33, negosyante ng Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit hinggil sa ibinebenta nitong kotseng Honda City (UUY-916) sa suspek at nang sinubukan na i-road test ito ay tuluyan ng hindi nagpakita sa biktima.

Matapos ang ilang oras ay nakatanggap ng text  message ang biktima mula sa suspek at sinabing ibabalik ang sasakyan kapalit ang halagang P60,000 dahilan upang ikasa ang entrapment operation sa loob ng isa ring kila­lang shopping mall sa Balagtas.

Habang inaabot ng biktima ang napagkasunduang halaga na marked money sa suspek ay dito na siya inaresto nina PO2 Darlyn Riogelon at PO3 Acebuche habang narekober din ang sasakyan ng biktima.

vuukle comment

ARMANDO LAZARO

BALAGTAS

BRGY

CRUZ

DARLYN RIOGELON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ERNESTO CRUZ

HONDA CITY

MARCELITO TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with