4 na tulak ng droga tiklo sa Bulacan
MANILA, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng droga ang nasakote ng mga awtoridad sa isang sting operation sa Bulacan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Miyerkules
Nakilala ang mga suspek na sina Sailanie Lomondot, 28; Willy Manuel, 33; Lou Bernadeth Zuñiga, 48; at Aris Cammayo, 20, na pawang mga residente ng Meycauayan City, Bulacan.
Nadakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation ng PDEA Regional Office 3 at Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group- Police Regional Office 3 sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan nitong Linggo.
Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 100 gramo at nagkakahalaga ng P200,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II ng Republic Act 9165,o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest