^

Probinsiya

Pagbabasa ng libro, dyaryo iginiit

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Inilunsad kahapon ang adbokasiya na naglalayong muling buhayin ang pagbabasa ng libro at peryodiko sa Lucena City, Quezon. Sa pamamagitan ng temang “Makinig Kayo,” pinangunahan ng Reading Association of  the Philippines Lucena City Chapter ang paghikayat sa mga batang may edad 10 pababa na muling gumamit ng libro at pahayagan sa pagbabasa. Ayon kay Amy Balagtas, dean of Studies, MSEUF Candelaria at founder ng RAP na hindi dapat kalimutan ng mga bata ang pagbabasa ng libro at pahayagan kahit pa nga tayo ay nakaharap sa computer age generation. Mas pahalagahan ng mga bata ang pagbabasa ng libro at pahayagan sa paglinang at pagtuklas sa mga bagong kaalaman sa halip na maituon ang atensyon sa paglalaro sa mga computer. May 50-batang nagmula sa ibat-ibang panig na Lucena City ang  nakiisa sa paglulunsad ng proyekto sa SM Mall kung saan sila sumailalim sa story telling, pagbabasa at pagkukulay. Plano naman ng  pamunuan ng SM Mall na magpatayo ng RAP Library upang  maglinang  ng mga kaalaman ng mga bata katuwang ang Rotary Club Lucena Circle. Nakiisa sa okasyon sina Maricel Alquiroz, mall manager; Lilibeth Azores, SM PR manager for South Luzon at ang ilang opisyal ng Rotary Club.

vuukle comment

AMY BALAGTAS

LILIBETH AZORES

LUCENA CITY

MAKINIG KAYO

MARICEL ALQUIROZ

PHILIPPINES LUCENA CITY CHAPTER

READING ASSOCIATION

ROTARY CLUB

ROTARY CLUB LUCENA CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with