^

Probinsiya

5 minasaker sa Batangas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao ang pinag­babaril hanggang mapaslang saka inabandona ang bangkay sa loob ng owner-type jeep sa naganap na masaker sa bayan ng Laurel, Batangas kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa napatay ay sina Joebert Lincallo, Dante Mayuga, Manolito Cudra, Michael Palbacal, at si Exequel Marimat  na  pawang nakatira sa Barangay Luksuhin Ibaba, bayan ng Alfonso, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan sa owner-type jeep (DSL-353) sa liblib na bahagi sa Barangay Ticub sa bayan ng Laurel bandang alas-3 ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon, isang security guard na kinilalang si Efren Dumpao ng Laurel Municipal Hospital ang tumawag sa himpilan ng pulis­ya kaugnay sa nadiskubreng mga bangkay.

Lumilitaw na robbery umano ang sinisilip na motibo ng pamamaslang dahil nawawala ang P50,000 cash ng mga ito.

 â€œDumalo ang mga biktima sa lamay sa bayan ng Laurel at papauwi na sa bayan ng Alfonso, Cavite nang masundan sila ng mga hindi kilalang kalalakihan at tambangan,” pahayag ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel

Nakarekober ang mga pulis ng 7-basyo ng cal. 9mm pistol mula sa crime scene.

vuukle comment

BARANGAY LUKSUHIN IBABA

BARANGAY TICUB

CAVITE

DANTE MAYUGA

EFREN DUMPAO

EXEQUEL MARIMAT

JOEBERT LINCALLO

LAUREL MUNICIPAL HOSPITAL

MANOLITO CUDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with