^

Probinsiya

5 anak na nene ni-rape ng ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 44-anyos na barangay ta­nod na tatay matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa lima niyang anak na babae, na ang 16-anyos na panganay ay nabuntis pa sa bayan ng Bu­gallon, Panga­sinan, ayon sa pulisya kahapon.

Itinago ang pagkakakilanlan sa suspek na Tanod Boying upang protektahan ang lima nitong anak na babae na pawang nakatira sa  Barangay Cabayaoasan.

Sa ulat ng Pangasinan PNP, inaresto ang suspek matapos na lumuluhang magtapat sa kaniyang guro ang 16-anyos na biktimang itinago sa pangalang Me­lanie na nabuntis siya dahil sa panggagahasa ng kanyang ama.

Nabatid na napansin ng guro na lumalaki ang tiyan ng biktima na madalas mahilo at maduwal sa klase kaya inusisa ito.

Agad namang sinamahan ng kaniyang guro sa himpilan ng Children’s and Women’s Desk ang estudyante at ipinagharap ng reklamo ang suspek na agad inaresto.

Sa salaysay ng biktima, 11-anyos pa lamang siya nang magsimulang halayin ng kaniyang ama.

Ayon naman kay PO2 Melanie Quezada ng Children’s and Women’s Desk ng Bugallon PNP, lumilitaw sa imbestigasyon ni-rape rin ng suspek ang iba pang anak na babae na itinago naman sa mga pangalang Amy, 15; Sofia,14; Anna, 11; Grace, 9.

Sa isinagawang medical examination ay nakumpirma namang apat na buwang buntis si Melanie habang maging ang kanilang bunsong si Grace ay may sugat sa ari na tanda ng panghahalay.

Nabatid na ang ina ng mga bata ay sa Maynila nagtratrabaho at buwanan kung umuwi kaya naiiwan sa pangangalaga ng kanilang ama ang magka­kapatid na babae.

Sa presinto, todo tanggi naman ang suspek na hinalay niya ang limang anak na babae pero itinuro ito mismo ng mga biktima na umano’y sinasaktan pa sila at halinhinang ginagahasa.

vuukle comment

AYON

BAGSAK

BARANGAY CABAYAOASAN

BUGALLON

ITINAGO

MAYNILA

MELANIE QUEZADA

NABATID

TANOD BOYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with