^

Probinsiya

2 killer rapist ng 10 anyos, tiklo

Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines – Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang dalawang suspek sa karumaldumal na panggagahasa at pagpatay sa isang 10 anyos na batang babaeng estud-yante na itinapon ang bangkay sa imburnal sa Naic, Cavite kamakalawa.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel Jr., kasalukuyan ng nakapiit sa detention cell ng Naic Police Station ang dalawang suspek na sina Aries Novero, 38 , walang hanapbuhay ng Brgy. Malainen ng bayang ito at Daniel Ligaya alyas Dange, nasa hustong gulang, residente rin sa lugar.

Samantalang pinakawalan naman ng pulisya ang dalawang iba pa na sina Adrian Catibayan, kamag-anak ng bata at Elmer Mojica matapos ang mga itong isailalim sa imbestigasyon.

Sinabi ni Esquivel na ang mga suspek ang natukoy na nasa likod ng pagpatay sa biktimang si Franchesca Catibayan Santos, na hinarang ng mga ito bandang alas-4 ng hapon habang pauwi na sa kanilang tahanan galing sa Malainen Luma Elementary School. Bandang alas-9:45 naman ng matagpuan ang bangkay ng biktima na itinapon sa imburnal sa Brgy. Malainen ilang oras matapos itong mawala.

May mga sugat sa ulo ang biktima na tanda na pinagpapalo ito ng matigas na bagay habang nasa leeg pa nito ang lubid na ipinansakal at duguan ang ari na positibo ring hinalay base sa pagsusuri.

Nabatid sa opisyal na ang dalawa ay nagpositibo matapos na makitaan ang mga ito ng kalmot sa katawan na palantandaang nanlaban ang biktima at bahid ng tuyong dugo sa kanilang mga damit.

vuukle comment

ADRIAN CATIBAYAN

ARIES NOVERO

BRGY

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DANIEL LIGAYA

DIRECTOR P

ELMER MOJICA

FRANCHESCA CATIBAYAN SANTOS

JOSELITO ESQUIVEL JR.

MALAINEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with