^

Probinsiya

Mister iniwan ng live-in partner, sinunog ang sarili

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naburyong ang isang mister na sinilaban ang sarili  matapos na hiwalayan ng kaniyang live-in partner sa Purok 2, Brgy. Palao, Iligan City nitong Biyernes ng gabi.

Sa phone interview,  sinabi ni SPO1 Esedro de La Cerna Reuyan ng Iligan City Police, imbestigador sa kaso ang biktimang si Antonio Boctolan, 43 anyos, automotive mechanic ay binawian ng buhay dakong alas-6 ng umaga sa Don Gregorio Memorial Hospital sa tinamong 3rd degree burn sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa bakuran ng tunay na asawa ng biktima na si Jane Boctolan sa nasabing lugar.

Bago ang insidente ay nagwala umano ang suspek ng mabatid na iniwan na siya ng kaniyang live-in partner na natauhan na umano dahilan number 2 lamang siya sa buhay ng nasabing biktima.

Sinabi ni Reuyan, na ang tunay na asawa at ang babaeng live-in partner ng biktima ay pareho nitong inuuwian na hinahati umano ang isang linggo para sa kaniyang dalawang babae.

Sinasabing nais ng live-in partner ng biktima na iwan na nito ang kanyang tunay na asawa at siya na lamang ang piliin pero hindi naman ito magawa ng nasabing mister dahilan pareho umano niyang mahal ang dalawang babae sa kaniyang buhay.

Bigla na lamang umanong binuhusan ng gasolina ang kaniyang katawan at saka sinindihan ito kung saan ay nagtamo ito ng matinding sunog sa insidente na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay binawian na ng buhay.

vuukle comment

ANTONIO BOCTOLAN

AYON

BIGLA

BIYERNES

BRGY

DON GREGORIO MEMORIAL HOSPITAL

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY POLICE

JANE BOCTOLAN

LA CERNA REUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with