^

Probinsiya

Akyat-bahay utas sa pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa dalawang notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos makasagupa ang mga ope­ratiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay San Jose sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang napatay na si Joel Anatolan na may nakabinbing mga kaso ng pagnanakaw sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz na nakara­ting sa Camp Crame, masabat ng mga operatiba ng pulisya ang riding-in-tandem na kawatan matapos ipaabot ng mga residente ang presensya nila. Nabatid na nagpapaikut-ikot ang dalawa na pinaniniwalaang may plano na namang akyating bahay kaugnay ng serye ng nakawan sa nasabing lugar.Tinangkang komprontahin ng pulisya ang da­lawa subalit mabilis na pinasibad ang kanilang motorsiklo.Nagkahabulan naman at ng malapit ng masukol sa bahagi ay agad nagpaputok ang isa sa dalawa na nauwi sa palitan ng putok kung saan napatay si Anatolan habang nakatakas naman ang isa.Narekober ang cal. 38 revolver na ginamit ni Anatolan sa shootout.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ANATOLAN

BARANGAY SAN JOSE

CAMP CRAME

CRUZ

JOEL ANATOLAN

PASCUAL MU

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with