^

Probinsiya

5 nasagip ng US missile destroyer

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang mangingisdang Pinoy ang nai­ligtas ng USS Mc Campbell (DDG85), ang Arleigh Burke –Class missile destroyer nang bumisitang USS George Washingtong  (CVN 73) carrier battle group makaraang maaktuhan ang mga itong papalubog na ang bangkang sinasakyan sa karagatan ng Lubang Island, Oriental Mindoro kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinarating kahapon ng US Embassy sa Camp Aguinaldo, bandang ala-una ng madaling-araw nang masagip sa kapahamakan ang biktimang sina Richard Ralia, 27; Noel Aque, 22; Jimmy Aque, 34; Reynaldo Leorin, 33; at si Erick Abaño, 26, pawang nakatira sa Barangay Cawak sa bayan ng Subic, Zambales.

Ang nasabing mangingisda ay pumalaot noong Oktubre 19 kung saan inabot ng unos sa karagatan bandang alas-11 ng gabi.

Bago ang pagkakasagip sa mga ma­ngingisda ay naispatan ng helicopter ng USS Mc Campbell DDG 85 ang mga biktima habang nagpapalutang-lutang sa karagatan.

 Dito na ipinarating ng isang Pinoy crew ng USS Campbell sa mga awtoridad ang magpapadiskubre sa mga biktima.

Nabatid na unti -unting pinasok ng tubig  ang bangka ng mga biktima noong Oktubre 23 ng gabi  nang maispatan ng US helicopter hanggang sa mailigtas kinabukasan ng madaling araw.

“The US pilots saw the five men flashing a lighter while standing on the roof of their boat -- the only part left above water”, ayon pa sa ulat kung saan agad na idineploy sa lugar ang USS Mc Campbell na sinagip ang mga mangingisda.

Samantala, binigyan din ng medical treatment ang mga nasagip na Pinoy bago itinurnover sa mga awtoridad.

Napag-alaman pa na ang USS McCampbell ay bahagi ng USS George Washington carrier strike group ng Amerika na bumisita sa bansa.

 

vuukle comment

ARLEIGH BURKE

BARANGAY CAWAK

CAMP AGUINALDO

ERICK ABA

GEORGE WASHINGTON

GEORGE WASHINGTONG

JIMMY AQUE

MC CAMPBELL

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with