PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Obrero dedo sa pamamaril

QUEZON, Philippines  - Patay agad ang 48-anyos na obrero habang malubha naman ang kanyang kaibigan matapos na pagbabarilin ng may-ari ng bahay na kanilang nilooban sa Barangay Pook sa Tayabas City, Quezon, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 22 rifle sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Reynaldo “Bang” Aquino habang kritikal namang ginagamot sa Tayabas Community Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo si Jose Zubia, 50 kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa inisyal na imbestigasyon nina SP01 Noel Manga at PO3 Domingo Rivarez, magkatabing natutulog sina Rodel Liwag, 46 at ka-live-in nito nang pasukin ng dalawa kung saan pilit na hinihila palabas ng bahay ang babae. Gayon pa man, nagising si Liwag kung saan pinagbabaril ang dalawa bago tumakas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: