PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 karnaper nadakma

BULACAN, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang kalalakihan na sinasabing sangkot sa nakawan ng motorsiklo matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Ryan Albert De Guzman ng Brgy. Minuyan 1, San Jose Del Monte City at Dennis Perez ng Brgy. Bagong Nayon sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Sa ulat ni P/Supt.Reniel Valones, si De Guzman ay nasakote ng pulisya matapos sikwatin ang motorsiklo ni Raul Salazar sa Barangay San Martin 3 sa San Jose Del Monte City. Samantala, si Perez naman ay nadakma matapos maaktuhang sinisikwat ang motorsiklo ni Renato Crisostomo sa bisinidad ng Rocka Subd. sa Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: