PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sagupaan ng militar at NPA, 4 patay

Apat katao kabilang na ang sarhento ng Phil. Army ang natodas, samantala, dalawang vendor ang malubhang nasugatan sa naganap na magkakahiwalay na karahasan sa Pampanga at Pagbilao, Quezon kamakalawa.


Sina S/Sgt. Jovencio Vidal ng 69th Infantry Battalion ng Phil. Army at SPO1 Dante Salazar, 46, ng Brgy. San Isidro, San Simon, Pampanga at nakatalaga sa Sta. Ana Police Station ay napatay, samantala, kasalukuyan namang inaalam ang pangalan ng isa sa mga rebelde na napatay sa engkuwentro sa Kanlurang Malicboy, Pagbilao, Quezon laban sa tumutugis na tropa ng 76th Infantry Battalion at isang asset na sinawing-palad na tamaan ng ligaw na bala.


Ginagamot naman sa ospital sina Marcy Manuel, 34 at Manuel Manalili, 25, na kapwa residente ng Brgy. San Joaquin, San Simon, Pampanga.


Ayon sa ulat, tinambangan ng mga rebelde ang mga tauhan ni Vidal sa Brgy. Cauayan, Mexico, Pampanga dakong alas-10 ng umaga kaya napilitang gumanti ngunit napuruhan ang biktima.


Si Salazar naman ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebelde habang namimili ng prutas sa palengke ng Brgy. San Joaquin dakong alas-12 ng tanghali na ikinasugat ng malubha nina Manuel at Manalili. (Ulat nina Danilo Garcia/Tony Sandoval)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: