^

Probinsiya

27 grupo ng sindikato sa Region 3 minamatyagan

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Umaabot sa dalawampu’t pitong grupo ng sindikato na may modus operanding nagpapakalat ng droga, baril at nagsasagawa ng pandurugas sa mga pampasaherong sasakyan sa Region 3 ang kasalukuyang minamatyagan na ng mga tauhan ni Region 3 Director P/Chief Supt. Oscar Calderon.

Ayon kay Calderon na pinupuntirya ng grupo ang mga pampasaherong sasakyan na bumabagtas sa kahabaan ng North Luzon Expressway at sa limang lalawigang sakop ng Region 3.

Bukod sa pandurugas ay nagpapakalat din ng droga at baril ang grupo ng sindikato na pansamantalang hindi pinangalanan upang hindi maantala ang dragnet operation.

Sinabi pa ni Calderon na isang alkalde at hepe ng pulisya sa hindi binanggit na lalawigan ang kasalukuyang nasa likod ng sindikato at masusing tinitiktikan.

Partikular na naka-focus ang modus operandi ng grupo sa Central Luzon kabilang na ang limang lalawigan sa Region 3.

Hiniling din ni Calderon ang tulong ng taumbayan na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anumang kahina-hinalang kilos ng dumarayong grupo sa kanilang bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BUKOD

BULACAN

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

EFREN ALCANTARA

HINILING

NORTH LUZON EXPRESSWAY

OSCAR CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with