PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Missing salesman ng SMC natagpuan na

CAMP OLIVAS, Pampanga – Natagpuan na kahapon ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bangkay ng isang salesman ng San Miguel Corp. (SMC) na nawawala pa noong Oktubre 30, 2001 sa plantasyon ng saging sa Brgy. Tuyo, Balanga, Bataan.


Ang bangkay ni Carlito Villegas ay natagpuan tadtad ng taga ng itak sa katawan bago sinunog at ibinaon ng mga kasamahan sa inuman matapos ang isang mainitang pagtatalo.


Sinabi ni P/Supt. Christopher Laxa, PNP-CIDG-3 regional officer na isa sa mga killer ni Villegas ay nadakip at kinilalang si Domingo Cavanes na ngayon ay nakapiit sa Bataan CIDG field office upang isailalim sa imbestigasyon.


Inamin naman ni Cavanes na pinatay nila ang biktima matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman ng alak.


Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang iba pang mga suspek na sina Ulyses Cavanes, trak helper ng bikitma at Eduardo Enrico, may ari ng bahay na pinagpatayan kay Villegas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: