^

Police Metro

Koreano na lubog sa utang, nagbigti

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng isang 35-anyos na Koreano ang kanyang buhay sa pagbibigti dahil sa pagkalubog sa mga utang naganap kamakalawa sa loob ng inuupahang condominium sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Tae Hyun Kim alyas “Hero”, nanunuluyan sa no. 805 Echelon Tower, Mabini St., Malate, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-7:14 ng gabi nang madiskubre ng isang Olivia de Paz, housekeeper ang nakabigting katawan ng biktima sa master’s bedroom.

Si De Paz ay regular na tagalinis ng silid ng banyaga at pumapasok ito sa oras na maglilinis siya gamit ang master key.

Nakuha sa silid ng biktima ang isang suicide note na nakasulat sa kanilang lengguwahe na isinalin sa Tagalog na humihingi ito ng tawad sa ina dahil may malaki siya umanong utang sa tiyuhin at mga kaibigan.

Nabatid na mag-iisang taon na umanong nagtatrabaho sa Ambassador Hotel ang biktima at nalulong din umano ito sa paglalaro sa casino na huling nakitang buhay noong Pebrero 11, 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with