^

Police Metro

Napoles: Drilon humingi sa akin ng P5-M

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humingi umano ng P5 milyon na campaign fund ang Liberal Party na si Senator Franklin Drilon.

Ito ang ibinunyag ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na kanyang ibinunyag kay Erwin Tulfo ng PTVnews na hindi idineklara ni Drilon sa Co­melec ang nasabing halaga kahit nanalo na siyang senador.

Ayon pa kay Napoles, aakalain ng publiko na napakalinis na senador si Drilon dahil sa ipinapakita nitong imahe sa publiko pero mayroon din itong itinatagong lihim.

Nanindigan si Napoles na kilala siya ni Drilon pero nagtataka siya kung bakit matapos siyang nakapagbigay ng pondo ay hindi na siya nito pinansin at higit sa lahat ay mistulang itinatanggi nitong kilala siya nang pumutok ang PDAF scam.

Base sa regulasyon ng Comelec, maaaring matanggal sa puwesto ang sinumang nanalong kandidato dahil sa hindi pagdedeklara ng mga campaign fund sa kanilang Statement of Contribution and Expenditures.

Tumanggi munang magkomento si Senate President Koko Pimentel bagamat bukas naman aniya ang Ethics Committee basta may mga ebidensya na magpatunay sa alegasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with