^

Police Metro

Zero budget sa hindi susuporta sa federalism joke lang-Alvarez

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na kumambiyo si House Speaker Pantaleon Alvarez at sinabing nagbibiro lang siya sa banta niyang zero budget sa mga solon na  hindi susuporta sa isinusulong na federa­lism.

“Alam mo iyong pag nag-speech ka, kailangan mo ng kaunting biro-biro, di ba? Iyon lang naman iyon, Ewan ko ba bakit sineryoso nila”, wika ni Alvarez.

Magugunita na noong Enero 18 sa harap ng mga lokal opisyal sa Pototan, Iloilo na nanumpa bilang mga bagong miyembro ng PDP-Laban ay inihayag ni Alvarez ang zero budget sa mga hindi susuporta sa isinusulong na federalism ng administrasyon.

“Nagbibiro lang ako, alam ninyo nagpapasa­lamat ako na sumali sila doon sa partido at nagpapasalamat din ako na iyong kanilang mga representatives ay nasa majority kaya nga hindi sila makakakuha ng zero budget di ba? Hindi naman seryoso iyon”, ayon pa kay Alvarez.

Inamin pa niya na hindi niya ito maaaring seryosohin dahil hindi niya maaaring i-zero budget ang sinumang kongresista  kung siya lamang ang kikilos dito.

Binanatan naman ni Akbayan partylist Rep.Tom Villarin, si Alvarez na unbecoming bilang isang Speaker at dapat itong mag-ingat sa buwelta ng kanyang mga salita.

Hindi naman naniniwala si Anakpawis Rep. Ariel Casilao na nagbibiro lang si Alvarez dahil tulad ni Pangulong Duterte ay pabago bago din ng salita na sa bandang huli ay nasusunod din.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with