^

Police Metro

Yakult bldg., inabot ng 19 oras ang sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang 19 oras, naapula rin kahapon ng umaga ang sunog sa 6 palapag ng gusali ng Yakult Philippines sa Agoncillo Street sa Malate, Maynila.

Batay sa ulat, nagsimula ang sunog bandang 5:00 ng hapon noong Sabado sa ika-3 palapag ng gusali na imbakan ng mga papeles at naapula kahapon ng alas-11:30 ng Linggo ng umaga.

Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa kapal ng usok. Kinailangan nilang magsagawa ng ventilation o pagbuga ng tubig papalabas ng building upang mapatay ang apoy. Nakalabas naman ang lahat ng empleyado. Wala namang naitalang nawawala o nasugatan sa insidente.
Inaalam pa ng mga otoridad kung magkano ang halaga ng mga nasunog at kung ano ang sanhi ng insidente.

Nabatid na 24 oras ang operasyon sa gusali ng Yakult kaya maraming empleyado ang nasa gusali nang maganap ang sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with