^

Police Metro

‘Impeach Sereno’ iaakyat na sa senado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat nang mag-relax dahil inihahanda na ng House Committee on Justice ang articles of impeachment para ito ay iakyat sa Senado na siyang magsisilbing impeacment court.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos na hamunin ng kampo ni Sereno ang mga kongresista na i-transmit na ang impeachment complaint sa Senado kung talagang naniniwala sila na mayroong magandang mangyayari doon.

Tiniyak ni Speaker na bago sila mag-break sa Marso ay nasa Senado na ang articles of impeachment dahil ngayon pa lang ay sinisimulan na nila ito.

Binuweltahan nito ang punong mahistrado na hindi sila pwedeng diktahan, gayung ayaw naman ni Sereno na humarap sa pagdinig at harapin ang mga nag-aakusa at mga testigo laban sa kanya kaya nangangahulugan lang umano ito na nagsisinungaling  siya dahil ayaw niyang harapin ang katotohanan.

May hinala naman si Alvarez na kaya minamadali ni Sereno na iakyat sa SC ang articles of impeachment ay dahil inaakala niyang may numero siya doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with