Superferry bibiyahe na sa Pasig River
Manila-Cavite ang unang ruta
MANILA, Philippines — Good news, dahil sa layuning makatulong para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila kaya naisipan ng pamunuan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na makipagtulungan sa Superferry service para bumiyahe at magsakay ng mga pasahero ang kanilang mga ferry boat mula Cavite patungo ng Metro Manila.
Nagkaroon na ng signing ng Memoradum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement sa pagitan ng PRRC; Intramuros Administration; Cavite Superferry Service Management at local na pamahalaan ng Noveleta, Cavite. Ang signing ay ginanap sa makasaysayang Plaza Mexico sa Intramuros, Maynila na dinaluhan nina PRRC Executive Director. Jose Antonio Goitia; Eduardo Manuel, founder ng Cavite Superferry; Atty. Guiller Asido, Administrition ng Intramuros at Mayor Dino Reyes Chua ng Noveleta, Cavite.
Ayon kay Dir. Goitia, napapanahon ang nasabing partnership na ang layunin ay makakatulong sa mga commuters mula Cavite na nagnanais lumuwas ng Maynila at vice versa.
Si Dir. Goitia na tinaguriang “The River Man” ay nagsabing reliable, affordable at episyente ang Pasig River Ferry System para sa mga commuters, maging sa disaster response na magbibigay ng malaking kontribusyon para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Nabatid na mula sa Noveleta, Cavite patungo ng Plaza Mexico Ferry Terminal sa Intramuros ay nasa 45 minuto lamang ang gugugulin ng isang pasahero at makakarating na sa kanyang destinasyon.
- Latest