^

Police Metro

2 Indonesian hostages pinalaya ng Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang bihag na tripulanteng Indonesian ang pinalaya na ng mga mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Biyernes ng gabi sa isang liblib na lugar sa Sulu.

 Kinilala ang mga pinakawalang hostage na sina La Utu bin La Raali at La Hadi La Edi .

 Sa ulat ni Sulu Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Buyucan, dakong alas-7:30 ng gabi nang palayain ng mga kidnapers ang dalawang dayuhan.

 Ang mga hostages ay ipinasa ng mga emisaryo sa tahanan ni dating Sulu Gov. Abdusakur “Sakur’ Tan Sr. sa Brgy. Asturias, Jolo ng lalawigan.

 Nang matanggap ang impormasyon, agad namang sinundo ang dalawang dayuhan ng tropa ng militar sa pangunguna ni Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

 Ang dalawang biktima ay kabilang sa mga tripulanteng binihag ng mga bandido matapos na harangin ang M/V Ching Kai Ling fishing vessel noong Nobyembre 5, 2016 sa pagitan ng karagatan ng Pegasus Reef at Kuala Kinatabangan malapit sa Taganak Island sa Tawi-Tawi.

 Sumasailalim sa me­dical examination sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang mga pinalayang tripulanteng dayuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with