^

Police Metro

‘Di pa patay ang Cha-cha – Koko

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinontra kahapon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel  ang pahayag ng ilang kasamahang senador na “Cha-cha is dead” o patay na ang panukalang Charter change.

Giit ni Pimentel, seryoso ang pagsusulong ng Cha-cha at hindi dapat balewalain o pagtawanan ng mga kontra na amyendahan ang Konstitusyon.

“Huwag naman ganoon. Dapat ang pag-amyenda sa Constitution ay in good faith. Huwag naman tatawa-tawa ‘yong mga against sa pag-amyenda,” ani Pimentel.

Una nang sinabi ng ilang senador na “Cha-cha is dead” matapos tumanggi ang Senado na sumali sa anumang joint session ng House of Representatives upang maging “constituent assembly” na mangunguna sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

    Sinabi ni Pimentel na maaari namang magkahiwalay na ituloy ng Senado at Kamara ang ginagawa at pag-aaral tungkol sa panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Umaasa si Pimentel na sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay magkasundo na ang dalawang kapulungan pero hindi aniya dapat sabihin na patay na ang Cha-cha.

Balak ni Pimentel na kausapin si House Speaker ­Pa­n­taleon Alvarez sa hinaharap kapag maluwag na umano ang kanilang schedules.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with